Aggressive o Submissive na Partner?

“Naku ang mga lalaki siyempre type nila ang submissive na misis. Pero pagdating sa lambingan gusto nila na aggressive si misis sa kama.” - Jana, Caloocan

“Gusto ko na maging agresibo ang mister ko sa lahat ng bagay. Mahiyain kasi mabagal tuloy ang takbo ng buhay namin. - Carol, Masbate

“Depende kung saan dapat magpa-submit. Kung mali naman bakit ako papayag. Pinag-uusapan namin mag-asawa para patas lang at walang sisihan sa huli.” -Mane, Bulacan

“Hala, ako kahit saan aggressive at submissive ako sa honeymoon namin ng mister ko. Call ako basta kailangan niya. Basta ba kapag suweldo kumpleto. Ha haha.”  - Rebbecca, Manila

“Talagang may level ba? ‘Di ba puwedeng balanse lang ang buhay. Puwede naman pagkasunduan ang lahat ng bagay - Che, Imus

Show comments