Endometriosis

Ang endometriosis ay ang abnormal na paglaki ng endometrial tissue tulad sa nangyayari sa lines sa interior ng uterus o matres ang kaibahan nga lamang ay sa labas na bahagi ito ng matres tumutubo.

Base sa ilang pag-aaral, ang mga babaeng may endometriosis ay may mas mataas na tsansang magkaroon ng ilang uri ng ovarian cancer na tinatawag na epithelial ovarian cancer (EOC).

Pinakamataas ang tsansang magkaroon ng EOC ang mga babaeng may endometriosis at primary infertility (mga hindi nagbuntis). Ang paggamit ng kombinasyon ng oral contraceptive pills (OCPs) na minsan  ay ginagamit sa treatment ng endometriosis ay nagpapababa ng tsansang magkaroon ng sakit na ito.

Ang koneksiyon sa pagitan ng endometriosis at ovarian epithelial cancer ay hindi pa lubos na nauunawaan ngunit may teyoryang ang endometriosis implants ay sumasai­lalim sa malignant transformation para maging cancer.

Isa pang posibilidad ay maaaring may kinalaman ang pagkakaroon ng endometriosis sa genetic o environmental factors na sanhi para tumaas ang panganib sa babae na magkaroon ng ovarian cancer.

(SOURCE: www.me­di­cinenet.com)

Show comments