Ang tanong ay kung may struggle ba sa energy levels? Umaasa ba sa kape, energy drinks, at ibang stimulant upang matulungan na magkaroon ng sapat na lakas sa maghapon. Tapos nahihirapan naman makatulog sa gabi. Makatulog man ay nagigising din sa gabi, pero ang problema ay nahihirapan naman bumalik sa tulog.
Kung mga nabanggit ay sounds familiar, puwes malaki ang tsansa na ang internal “body clock” ay nasira o nabulabog ang iyong circadian clock. Ang Circadian rhythm ay inuugnay sa cycle ng katawan sa loob ng 24-hour na proseso ng biological ng tao. Madalas ito ang tinatawag na sleep/wake o light/dark cycle.
Kapag poor ang quality ng tulog ay mababa ang energy level na masalimuot at nabubulabog ang circadian rhythm, pero hindi naman lahat. Kapag nagagambala ang circadian rhythms ay apektado ang appetite, mood, metabolic health, overall health, at iba pa. Kung gustong maayos ang nasirang circadian clock ay kailangan din ng disiplina para sa sarili.
Sa umaga pa lamang ay lumabas na ng bahay at magpa-araw kahit 15 minutes. Ang sinag ng araw ay isa sa susi para ma-set ang master clock ng katawan. Pangalawa, i-block naman ang blue light sa gabi. Ang blue light ay kahit saan makikita mula sa lighbulbs, cell phone, tables, computer monitors, TV screen, at iba pa. Ang mga nabanggit ay sinusugpo ang melatonin production para mapigilan ang natural na pagbaba ng body temperature para antukin at makatulog.
Subukan ang strategies ng 2-3 oras bago humiga sa kama. Iwasan ang screens at gumamit ng blue light apps sa inyong devices. I-dim ang ilaw o gumamit ng amber-tinted lightbulbs. Puwedeng magsuot ng blue light blocking glasses.
Higit sa lahat ay kailangang mag-exercise upang ma-regulate ang circadian clock at maayos ang activity ng nervous system ng katawan. Upang magkaroon ng masarap na tulog sa gabi.