Ang bente anyos na si Azeem Amir ay wala nang paningin simula pa lamang nang siya ay ipanganak; wala siyang nakikita sa kanyang kanang mata, habang may kaunti naman siyang naaaninag na liwanag sa kanyang kaliwang mata.
Aminado si Amir na habang lumalaki siya ay paunti nang paunti ang kanyang mga nagagawa, pero hindi ito naging hadlang sa pangarap at hilig niya sa football kaya naman sinikap niyang makapasok sa England squad at nagawa niya ito sa loob lamang ng ilang taon.
Pinili na Amir na mag-aral sa isang normal na eskuwelahan lamang kesa sa school for the blind. Noong una ay nahirapan siya sa kanyang sitwasyon, nahirapan siyang pagsabayin ang football at pag-aaral, pero natutunan niya na itong balansehin kalaunan.
Kasalukuyang nag-aaral ngayon si Amir sa kursong Business and Management sa University of Salford. Sa edad na 15, nag-umpisa na siyang maglaro bilang miyembro ng England’s national blind football team.
Ang blind football ay binubuo ng 5-a-side kung saan may apat na outfield players na pawang mga bulag din. Bawat isang team ay may goalkeeper. Ang mga outfield player ay kinakailangang magsuot ng patches at blindfold para masigurong patas lamang ang mga magiging laro. May ball bearings ang bola nito na gumagawa ng rattling noise kapag naalog upang malaman ng mga manlalaro kung nasaan ito.
Isa raw sa mga dahilan kaya sumali si Amir sa football ay para patunayang hindi hadlang ang kawalan ng paningin para maabot ang pangarap.
“I think a lot of people pre-judge based on their own barriers of disability which you can’t do realistically. It’s something that I feel is changing but it’s still an underlying problem within society, never mind just sport.
“I think sport is a good way to kind of change that kind of thought process that people might have. People just think of what they see and like I said, it’s not just being blind or being partially sighted, it’s everything – like being deaf or in a wheelchair, do you know what I mean?,” pagbabahagi niya.