Dear Vanezza,
Inampon ako ng tita ko dahil wala silang anak. Ngayon ay college graduate na ako at maghahanap na ng trabaho. Kaso wala pa nga ay naniningil na ng utang na loob ko raw sa tita ko. Masakit sa loob ko na akala ko ay tunay na anak ang turing sa akin. Ano po ang gagawin ko? - Phey
Dear Phey,
Huwag mong tingnan ng negatibo ang sinasabi ni tita, kundi maging magalang pa rin sa kanya. Ituring mong pagkakataon na suklian naman ng magandang loob ang kabutihan niya sa iyo.
Sumasaiyo,
Vanezza