• Ang pinagkaiba sa itsura ng queen bee ay ang mas mahaba ang katawan at kulay caramel ang katawan nito. Ang drone bee ay mas malaki ang mga mata at malapad ang katawan, at bilog ang puwetan nito.
• Ang worker bee naman ay madalas nakikitang dumadapo sa mga bulaklak.
• Ang reyang bubuyog ay alagang-alaga sa loob ng cell na tinatawag na queen cups. Depende sa quality ng larvae, ang worker na bee ay inaalam kung sino ang puwedeng maging reyna. Ang larvae ay binibigyan ng special diet sa magiging future na reyna lamang.