Tapos na ang tag-init at pasukan na ng mga bata pero marami sa kanila ay may ‘bakas’ pa rin ng summer tulad ng pagkakaroon ng kuto.
Normal sa mga bata ang magkaroon nito lalo’t summer dahil mainit ang panahon at madali itong makahawa.
Ngunit paano nga ba ito masosolusyonan? Ang ilan sa mga magulang ay pinagugupitan ang mga anak at gumagamit ng mamahaling shampoo para sa mga lisa at kuto.
Pero alam n’yo bang may iba pang epektibong paraan para maalis ito nang hindi gumagastos ng mahal?
Tama, maaaring gumamit ng Isopropyl rubbing alcohol 70% na nabibili sa tindahan, supermarket, grocery store, at botika.
Lagyan lamang ng direkta ang anit, balutan ng plastic, at ibabad ng limang minuto. Pabayaan lamang itong matuyo at pabayaang malaglag ang mga lisa at kuto.