Na-in love sa ka-textmate

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang po akong Tanya, 15 years old. Ako po ay may ka-textmate. In-love po ako sa kanya at sabi po niya ay mahal niya rin ako. Pero bakit po ‘pag tumatawag ako sa kanya, hindi niya sinasagot? Sabi po niya ay busy siya eh wala naman po silang work at andun lang naman po siya sa bahay nila. - Tanya

Dear Tanya,

Nagdadahilan lang ang ka-textmate mo. Kung gusto ka niyang kausapin, sasagutin niya ang tawag mo kahit gaano pa siya ka-busy. Kung mahal ka niya gaya ng pang-uuto niya, hindi ka niya pagtataguan. Mabuti pang itigil mo na ang pakikipag-text sa kanya. Hindi ka rin dapat basta naniniwala sa lalaking hindi mo pa lubos na kilala. Sa bakanteng oras, subukan mo ring magbasa ng mga books na makadadagdag pa ng iyong kaalaman at ‘wag lang ubusin ang oras sa pakikipag-text.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments