Vacation leave na kailangan
Ang isa sa magandang paraan para sa recovery ng burnout ay magkaroon ng totoong bakasyon. Upang magkaroon ng time na malayo muna sa work para sa kailangang pagre-relax at ma-de-stress ang buhay.
Kaya magplano nang mag-file ng vacation leave kasama ang pamilya, asawa, barkada, o kahit mag-isa para makapagmuni-muni at makahinga na malayo sa stress, pressure, at demand ng trabaho saglit.
Habang ang stress at problema na nararanasan sa trabaho ay maaaring naghihintay lamang pagbalik ng work. Pero at least nakapag-recharge na kailangang time out na deserve na pagpapahinga ng iyong isipan, katawan, at kalooban.
Bumalik man sa trabaho ay may glow at sapat na lakas na kayang harapin ang gaano man ito kahirap.
Napansin ninyo ba ang mga co-workers na galing sa bakasyon ay feeling fresh, masaya, relax, at may baong peace of mind sa kanilang kalooban.
- Latest