Dapat bang mamalo si tatay?

“Wala naman akong nakikitang mali sa pagpalo ng anak. Basta may sapat na dahilan para paluin ang iyong anak. Why not? Saka siyempre hindi dapat sobra na tipong maglalatay ito sa kanya. Laki rin ako sa palo. At para sa akin, naging epektibo yun kung bakit ako luma­king may takot at respeto sa kanila.”  - Jason, Manila

“Hindi. Naniniwala ako na lahat nadadaan sa usapan. Saka kung papaluin mo ang iyong anak, may possibilities na mamamalo rin siya at maging bayolente sa iba. Mas maganda kung mahinahon ninyo yan na mapag-uusapan at walang sakitan. Matatakot lang kasi ang anak kapag ganun.” - Mark, Australia

“Depende sa kasalanan, gaano ba kalala ang nagawa ng inyong anak para paluin niyo siya? Kasi kung simpleng bagay naman, pwede naman pagsabihan. Pero halimbawa hindi siya nakikinig, paulit-ulit, dapat mo na siyang paluin kasi ibig sabihin nun wala na siyang takot sa iyo.” - Zeb, Malabon

“Ayokong namamalo. Mabigat kasi ang kamay ko. Mas okay siguro kung ipauubaya ko na lang sa nanay niya yun kesa ako pa ang gumawa. Saka baka hindi niya malimutan ang bigat ng kamay ko hanggang pagtanda, baka magtanim pa siya ng sama ng loob kung siya ay aking papaluin.” - Nante, Quezon City

“Aba syempre. Kailangan nila yan maranasan para magtanda sila at hindi na umulit pa. Sa bahay nagsisimula ang pagiging madisiplina ng isang bata. Dapat maaga pa lang, ipaintindi nang may consequences ang mga maling gawain.” - Jose,  Manila

Show comments