Benepisyo ng dark chocolate

Sino ba ang aayaw sa dessert? Karaniwan halos lahat ng dessert ay heavily processed na ginamitan ng refine sugar na sanhi ng inflammation na mataas sa fats. Hindi katulad ng vegetable oils kahit pa ang tran fats.

Kaya ang mga dessert ay hindi best option na makatulong sa pagbabawas ng taba, hindi rin ito pang boost ng metabolism, at lalong hindi maganda sa kalusugan. Tapos lumalantak pa ng cake na napaparami ang pagkain.

Puwedeng pagbalingan na uri ng dessert ay ang dark chocolate na ang pangunahing sangkap ay ang cocoa. Ang cocoa ay naglalaman ng tatlong dobleng higit na antioxidants kaysa sa green tea.

Ang cocoa at dark chocolate ay naglalaman ng compound na tinatawag na theobromine na nagpapagana sa appetite at nagpapataas sa katawan na mag-breakdown nito ang mga fats. Ayon sa  research, nakita sa dark chocolate na mayaman sa cocoa ang mahalagang insulin na may natural polyphenols na inuugnay sa kakayahang mag-burn ng fats kahit kumain ng maraming carbs.

Ang dark chocolate ay nakatutulong din na mag-set ng mood na sa bawat kagat ay naglalabas ng “feel good” na endorphins at “love hormone” na oxytocin para sa neurotransmitter na susi na nagpapagising ng sexual desire. Dahil ang dark chocolate ay may compound na phenethylamine bilang “love drug” na nagre-release ng dopamine na inuugnay sa reward at pleasure. Ang dopamine ay responsible sa sexual behavior at arousal. Sapat na nagpapaganda ng daluyan ng dugo para sa paggising ng sexual drive at magandang performance sa sex.

 

Show comments