Ang peanut ay naglalaman ng protein na may cross reaction ng birch na isang klase ng puno o grass pollen. Ang ibang tao na mayroong pollen allergies na may oral allergy syndrome (OAS) sa mani.
Yung indibidwal na may allergy ay nakararanas ng symptoms, pero lahat ng cross-reactive partikular na ang pollen na allergic.
Ang mani ay kabilang sa legume family kasama na ang beans, soybeans, at lentils. Ang karaniwang tanong kung puwedeng kumain ang may allergy sa peanut gaya ng soy-based na pagkain o ibang beans. Halos kalahati ng peanut-allergic na indibidwal ay may positibong skin test o blood allergy test sa ibang legume. Pero 95% ay kayang i-tolerate at kumain ng cross-reactive legumes. Dati ay iniiwasan ang soy beans dahil sa peanut allergy.
Ang mani ay mayaman sa protein, magnesium, vitamins E at B6, manganese, pantothenic acid, chromium, folacin, copper at biotin. Pero sa mga may allergy madali lang palitan ang nut sa ibang recipe gaya ng iba’t ibang seeds na buto ng sunflower, pakwan, kalabasa, at iba pa. Puwede rin ang beans na soy beans, peas, at garbanzo beans. Maaari rin ang pretzels na puwedeng durugin at gawing toppings sa ice cream. Ang pretzels ay normal na naglalaman ng wheat o sesame. Ang gluten-free brands ng pretzels ay available kung kailangang iwasan ang wheat o gluten.