Second life na kungtutuusin ng California resident na si Kevin Hines matapos niyang tangkaing magpakamatay noong 2000.
Kwento ni Kevin, na-diagnosed siyang may bipolar disorder at serious psychosis at sa kagustuhang wakasan na ang kanyang buhay, tumalon sa isang tulay sa San Francisco, California.
Nineteen years old lamang siya noon.
Himala siyang nakaligtas sa tiyak na kapahamakan dahil nang mapunta siya sa dagat ay nakaramdam siya na may tumutulak sa kanya paangat. Noong una ay natakot siya sa pag-aakalang pating ang kumalapit sa kanya.
Sinubukan daw niya itong suntukin at sipain para palayuin ngunit napapansin niyang hindi siya nito kinakagat at sa halip ay tinutulungan pang umangat para makarating sa sementong kumokonekta sa tulay.
Dun na may nakakita kay Kevin at tumawag ng rescue.
Ayon sa saksi, sea lion ang nakita niyang sumasagip sa buhay ng binata.
Life-changing ang nangyaring iyon para kay Kevin at doon siya nagsimulang gumaling sa kanyang sakit.
Hanggang ngayon ay paulit-ulit niya pa rin itong ikinukwento para magbigay inspirasyon.