(Last part)
Bright green: Ito ang aura ng taong mapagmahal sa kanyang kapwa. Kulay din ng mga healers.
Bright Royal Blue: Asahan mong daratnan ng magandang oportunidad ang taong may aura na matingkad na asul (kulay ng SM). Kulay din ito ng mapagbigay at clairvoyant.
Dark blue: Natatakot sabihin ang nasasaloob, natatakot magsabi ng katotohanan at kinatatakutan ang magiging kapalaran niya sa hinaharap.
Indigo, violet, lavender: Aura ng mga psychic.
Bright silver: Daratnan ng maraming pera o kasalukuyang maraming pera. Kulay din ng taong maraming naiisip na bagong ideya.
Dark gray: May namumuong sakit.
Black: Hindi matanggal na lungkot dulot ng hindi inaasahang pagkaagas ng anak. Ito rin ang kulay ng mga hindi marunong magpatawad.
White: May katabing anghel, buntis, malapit nang manganak.
Orange-yellow — kulay ng taong matalino, malikhain, perfectionist. Kulay din ito ng mga scientist.
Pale yellow — may iniisip na bagong ideya at excited siya tungkol dito. O, kaya nakakadama ang isang tao na parang gumagana ang kanyang Extra Sensory Perception.
Bright lemon yellow — nag-iisip siya kung paano mananatili sa power o sa posisyong hinahawakan niya. Ito ang kulay ng aura kapag nakakadama ka ng takot na mawala sa iyo ang paghanga at respeto ng ibang tao.
Dark gold — kulay ng estudyanteng nagkukumahog sa pagrerebyu dahil maya-maya lang ang exam.