Isa sa tradisyonal na ginagawa ng marami ang magkaroon ng listahan ng mga New Year’s resolutions. Pero kadalasan din ay hindi ito nagtatagal. Kapag napatagal na gawin ang New Year’s resolution nang mahigit pa sa isang linggo ng January ay dapat palakpakan. Ngunit huwag mag-alala, hindi ka nag-iisa. Ang ilang statistics na tanging 8 percent lamang ng mga tao ang natutupad ang kanilang resolution goals.
Ang pagkakaroon ng setting goals para sa marriage lamang ay mas mahigit pa sa kahit anong New Year’s resolution na ginagawa, na dapat kapwang magkaroon ng effort ang mag-asawa. Kahit mahirap itong gawin.
Paano ba maiiwasan na mabigo ang marriage resolutions?
Kailangang matutunan na magkaroon ng excellent communication techniques, kung paano mahalin at respetuhin ang asawa. Kahit ang paraan ng intimacy ay dapat ma-improve. Kahit pa madaling matukso na mag-walk out kapag nagtatalo o may problema. Maaaring umattend ng mga conference o seminar ng mga retreat. O magkaroon lagi ng oras para kay misis at mister na mag-usap nang maayos. Ang simpleng paglalakad kasama si wifey at hubby na naghahanap ng solusyon na ma-improve ang pagsasama bilang resolution ng mag-asawa. Tinutupad ba ang nabuong resolution ninyo ni misis o mister?
Imposibleng maging perfect na asawa, pero ang pag-set ng goals na pinipilit na maging maayos ay mas importante upang manatiling healthy ang marriage.