Yogurt – Magandang pinagkukunan ng protein at biotin ang yogurt. Dahil dito, nakatutulong ito para mag-glow ang ating balat at pampahaba rin ng ating mga kuko.
Almonds – Mainam na pang merienda ang almonds o sunflower seeds. Meron itong anti-inflammatory nutrients at Vitamin E.
Kamote – Mayaman ang kamote sa beta-carotene at pag nakain na ay naku-convert sa Vitamin A na nakatutulong upang panatilihing makinis ang ating mga balat.
Kiwi – Lahat ng pagkain na mayaman sa Vitamin C gaya ng kiwi, orange, at iba pa ay mainam para sa ating balat. Nakatutulong ang Vitamin C sa pag-stimulate ng collagen sa ating balat na siyang prumoprotekta laban sa mga kulubot at “pagkatuyot” ng ating mga balat.
Dark chocolate – Ang isang putol ng tsokolate ay nagbibigay ng mataas na lebel ng cocoa flavanols na nakatutulong sa pagkakaroon ng mas maganda at mas malambot na kutis.
Alalahanin na maliit lang ang kailangang tsokolate sa ating katawan dahil ‘pag naparami ito ay kabaliktaran naman ang maaarimg maging epekto.