Bagay na dapat itapon bago ang 2019

Maraming bagay na dapat i-let go bago ang New Year. Kung inisip na hindi pa puwede dahil sa nakalingon pa rin sa nakaraan, ito ay mas nagpapabigat sa pag-iisip para sa future.

Mas magandang bitawan ang mga bagay na hindi na kailangan at simulan ang 2019 na may something fresh sa iyong pagkatao.

Bago tuluyang magpalit ng pahina ang kalendaryo, isipin ang mga magagandang ideas sa pagsisimula ng Bagong Taon.

Tandaan, huwag hayaan pigilan ka ng mga darating na kabiguan. Sa halip ay matuto sa mga pagkakamali sa future.

Iwaksi ang takot sa pangkahalatang aspeto. Kung makakawala sa takot ay saka mas makikita ang mga posibleng puwedeng gawin. Kahit sa simpleng bagay ay  matutunan na makuntento na magpapa-rebuild ng iyong buhay.

Bigyan ng favor ang sarili, iwasan ang sobrang gastos na hindi naman kailangan. Ipamigay na rin ang mga damit na hindi isinusuot. I-analisa ang iyong closet ng mga items na puwede nang tanggalin sa iyong drawer. Itapon na ang hindi kailangan sa kuwarto upang magkaroon nang sapat na space. Baguhin na rin ang mga bad habits. I-let go ang negativity at piliin ang maging magpasalamat. Tigilan na ang mangutang, hindi man maiwasan, pero puwedeng simulan ang taon na wala munang utang.

Ano pa ba ang mga bagay na gustong itapon upang maging maayos na harapin ang Bagong Taon?

 

Show comments