Lahat ng tao ay gusto ang idea magsimula nang fresh sa pagharap sa bagong taon. Ang tanong ay kung anong mga bagay na gustong i-let go at mag-move forward. Ang una agad naiisip ay ang kalat sa bahay gaya ng damit o makeup sa bag, at iba pang sitwasyon. Pero nakakalimutan ang pinakamahalagang bagay na pagkakaroon ng sariling space, ang ating pag-iisip o mind.
Kung ang taong 2018 ay masyadong naging busy sa kasipagan sa business, relasyon, at iba pang pinagkakabalahan. Hindi naman nagsisisi dahil naging matagumpay at maganda ang buong taon. Pero ang payo ng mga yoga coaches, minsan ay kailangan mo rin maging “soft” na malambot na isang malaking hamon sa posture kasunod ang pagharap sa task araw-araw. Dapat ay matutunan na maging gentle na alalahanin na mag-“breathe” o huminga at magkaroon ng life. Mangyayari ito kung hahayaan na i-let go ang maraming bagay upang makapag-relax ang pangangatawan at isipan. Kung paano lalambot ang katawan upang makuha ang tamang posture hayaan na maging natural ang lakad at galaw. Kung paano dumadaloy ang tubig sa mababatong sapa ay walang effort na nakakadaan kahit marami ang nakaharang.
Upang maging kalmado ang kaisipan ay hayaan na kailangan maging natural na malambot ang kilos na hindi nagmamadali o nai-stress, huminga, at mag-let go upang dumaloy din ang blessings sa ating buhay.