2 Lalaki sa Online Dating

Dear Vanezza,

Ang problema ko po ay tungkol sa dalawang lalaking nagpapatibok ng aking puso sa online dating. Pareho silang may promise na pupuntahan ako rito sa ‘Pinas at agad akong pakakasalan at isasama. Yung taga-U.S. isang DOM pero mapera. Samantalang yung taga-UK ay mas bata sa akin. Hindi kaya nila ako iwanan at saktan sa bandang huli? - Gemini

Dear Gemini,

Hindi ka puwedeng mamangka sa dalawang ilog. Dapat pakasuriin mo silang dalawa kung sino ang mas matimbang at nakakaangat ng katangian at yun ang piliin mo. Hindi puwedeng sabay. Natural na masasaktan ang sinumang hihiwalayan mo, pero mabuti nang mangyari iyan habang maaga para mas madaling maghilom ang sugat.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments