Lahat ng bata ay gusto ang count down tuwing nagpapalit ang taon. Ang New Year’s resolution ay hindi lamang para sa mga adult.
May simpleng practical na paraan upang matulungan ang mga growing kids na gumawa ng kanilang sariling New year’s resolutions.
Huwag idikta ang resolutions na gustong gawin ng anak. Gabayan lamang ang mga anak sa mga categories na gusto nilang baguhin.
Tulungan ang anak na magkaroon ng malinaw na golas na tugma sa kanilang edad.
Pakinggan ang anak kung ano ang gusto nila para sa kanilang sarili. Ang ibang bata ay kailangan pa ng guidance. Kaya puwedeng bigyan sila ng categories sa personal goals, friendship goals, helping goals, school goals, sports goals, o iba pang bagay.
Huwag agad soplahin ang anak kundi upang magkaroon ng meaningful na pag-uusap at nang malaman kung ano ang kanilang iniisip at gustong gawin.
Saka tulungan ang anak na maging concrete, specific, at kayang i-manage ang gusto nitong pagbabago na goals na malapit sa katotohanan.