Pangtanggal ng blackheads

Dumarami ang nauusong produkto para mas mapabilis at mapadali ang paglilinis sa ating mukha.

Ilan na rito ang nau­usong nose strip na inilalagay sa ilong para mabilis na maalis ang impurities, o ang tinatawag na black heads. Ilalagay mo iyon sa iyong ilong at maghihintay ng 10 minuto. ‘Pag natuyo na ay pwede nang alisin at agad mong makikita ang mga dumi na natanggal sa iyong ilong.

Medyo may kamahalan nga lang ito at hindi swak sa bulsa ng mga ordinaryong mamamayan kagaya natin.

Buti na lang ay pwede na itong gawin gamit ang mga simpleng kasangkapan na makikita sa bahay.

Alam niyo bang epek­tibo ang puti ng itlog para maalis ang blackheads? Magsawsaw lamang ng tissue sa puti ng itlog, ilagay ito sa ilong at patuyuin at saka balatan. Kung hindi pa kuntento ay maaari rin itong gamitin sa buong mukha

Pwede rin gumamit ng gelatin. Tunawin lang ito sa maligamgam na tubig at ilagay sa ilong at saka ito alisin pagkatapos ng 10 minuto.

Show comments