^

Para Malibang

Aabot ba tayo ng 85 anyos?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KAHIT sino ay gustong mabuhay nang matagal. Pero minsan, may mga sakit na tayong namana sa ating mga magulang. Siyempre, may papel na ginagampanan ang genetics. Pero ayon kay Dr. Shelley Dela Vega, isang geriatrician sa UP-PGH, 30% lamang ang kontribusyon ng lahi nating pinagmulan sa sakit na puwede nating manahin. May magagawa pa tayo kung sad­yang nasa lahi natin ang sakit na kanser, alta presyon, diabetes, rayuma, at iba pa. Kailangan nating tutukang maigi ang ating paraan ng pamumuhay (lifestyle).

Ano ang silbi nang mahabang buhay kung mayroon namang sakit o kondisyon na dala-dala natin? Paano natin mae-enjoy ang buhay kung may limitasyon na sa paggalaw o paglalakbay, pagkain, at sa iba pang pang-araw-araw na aktibidad natin?

Ano, kung gayon, ang dapat nating gawin upang mapahaba ang ating buhay pero masasabi pa ring “quality living”? May mga nagsasabing baka stem cell therapy ang solusyon; meron ding nagsasabing mga anti-aging solution siguro ang lunas.  Pero bigo ang maraming procedures at therapy upang makamtan ang mahabang buhay na may kalidad. Maaaring may maidudulot itong benepisyo pero baka pansamatala lamang.

Dito lalabas ang tinatawag nating “exceptional aging.” Ayon sa mga mananaliksik, ang ibig sabihin ng exceptional aging ay ang pagkakaedad o pagtanda na walang kapansanan sa pisikal na pangangatawan at pag-iisip o di kaya ay ang kawalan ng alin man sa anim na maituturing na major chronic diseases – sakit sa puso, stroke, diabetis, kanser, chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at Parkinson’s disease.

Pinili ng mga mananaliksik ang anim na sakit na ito sapagkat ito ang mga pinaka-karaniwang medical conditions na may kaugnayan sa pagkakaedad. Sa naturang pag-aaral, nakita nilang ang taong wala nitong anim na sakit (sa kalalakihan) ang kadalasang umaabot ang edad sa gulang na 85.   

Heto ang nakita nilang common denominators sa mga taong nabuhay nang mas mahaba:

Nasa tamang timbang ang katawan (hindi overweight o obese).

Maayos ang blood pressure.

Maayos ang blood sugar level.

Mababa ang triglyceride level. Ang triglyceride ay isang uri ng kolesterol sa dugo; kapag nagpapa-blood test tayo ay karaniwang isinasama ang triglycerides.

Walang kasaysayan ng paninigarilyo.

Walang kasaysayan ng matinding pag-inom ng alak.

Malakas ang sinasabing grip strength o muscles.

May asawa o kapartner.

Nakapag-aral ng higit pa sa 12 taon.

Kung pagbabatayan natin ang factors na ito at ating ia-assess ang sarili, sa tingin ba natin ay aabot tayo sa edad na 85?

vuukle comment

ANYOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with