Isa sa dahilan ng pressure ay ang pagsakop sa ating buhay ng mga bagay na ayaw natin na puwedeng optional na responsibilidad. Hindi dahil sa maaaring magsasayang lamang ng oras, pero simpleng naghahatak sa atin bilang distraction upang gawin ang ating main goals para sa ating pamilya at buhay mag-asawa.
Tipong kapag may diskusyon ang mga nanay na may meeting sa school para sa plano sa buong taon. Normal na madaling mag-volunteer kapag may naiisip na idea sa isipan.
Pero kapag nagtaas na ng kamay ay saka lamang naiisip na puno na ang iyong schedule ng mga dapat gawin. Ganundin ang ibang mother na nag-commit sa isang task. Ngunit sa loob ng isipan ay nagsisisi na hindi natutong tumanggi na magsabi ng “no”.
Yung napapasubo na maging involve sa kahit anong bagay na kahit mukha namang reasonable, worthy, at nagpapanalo sa ating approval.
Ngunit kapag nagtanungan na kung paano gagawin ang nasang-ayunan na commitment, samantalang mayroon kang anim na aktibong mga anak. Saka lamang maiintindihan na hindi kailangang gawin o pasanin lahat ang responsibilidad ng mundo.
Paano nga ba nai-exercise ang salitang “no”? Pag-usapan ito ng mag-asawa upang maprotektahan ang isa’t isa bago sumagot sa isang kompromiso. Ang pagiging accountable sa desisyon ay hindi madaling gawin, pero puwedeng mag-build up ng pagkakaisa sa mag-asawa.
Upang mapag-aralan ang pagkakaroon ng lakas ng loob nang pagsasabi ng “oo” kung talagang ito ay kinakailangan sa sitwasyon at pagsabi ng “hindi” sa nararapat na tanggihan na bagay.