• Dried fruit – Hindi madaling mapanis ang dehydrated version ng inyong paboritong pagkain pero mas tatagal ang buhay nito kapag inilagay sa ref tulad ng pangkaraniwang prutas. Ang dried fruits ang paboritong snack ng mga nagdidiyeta at mahilig sa sports.
• Red wine – Marami ang mas gustong uminom ng malamig ng wine pero ayon sa isang wine expert, mas perfect itong inumin kung katamtaman lang ang lamig nito na katambas sa 30 minuto ng wine sa refrigerator.
• Salsa – Isa ito sa pinakapaboritong condiments ng mga food lover. Mas tatagal ang buhay ng salsa (lalo na ‘yung nabuksan na sa garapon) kung ilalagay ito sa ref.
• Apples – ito ang paboritong prutas ni Sir Isaac Newton. Dahil sa klima, madalas ay madali itong kumunat. Pero mapapatagal ang pagiging malutong nito kung ilalagay ito sa ibabang bahagi ng inyong ref.
• Luya – Tumatagal ng hanggang tatlo o apat na linggo ang fresh na luya. Kung hindi pa naman gagamitin ay ibalot ito sa paper towel at huwag balatan. Ilagay rin ito sa ref para mas dumoble ang ‘buhay’.