Paglabas sa Comfort Zone
Maraming bagay ang hindi natin kontrol sa buhay. Ang iba wala pa ngang ganap ay takot na sa unknown na mga bagay na puwedeng mangyari. Ang pag-aalala sa sitwasyon na hindi pamilyar ay okey lang. Pero tandaan, may magandang bagay pa rin ang mangyayari kahit lumabas sa iyong comfort zone. Lalo na kung may gustong subukan sa mahabang panahon, pero natatakot; magpatuloy lamang at ibigay ang iyong best shot.
Huwag mong masyadong isipin na ang mundo ay black at white lamang. Madalas ang sobra o advance na pag-iisip ay nakakahadlang para maging masaya. Walang magbabago kahit sa ibang anggulo mo tingnan ang buhay. Dahil walang siguradong tama o mali bagkus ay kailangan mo lang tanggapin. Subukan na hanapin ang positibong bagay kahit sa panahon na naguguho na sa mundong iyong ginagalawan.
- Latest