Emosyon at cravings
Ang cravings ay window ng inner landscape. Mayroong ibig sabihin kapag natatakam sa mga pagkain ayon sa health expert.
Gaya ng kapag naghahanap ng cake, pasteries, candy, pies, o ibang baked sweet na pagkain. Ito ang kadalasang cravings ng mga tao, na ang ibig sabihin ay mga indibidwal na masyadong masisipag, matagal ang trabaho, at nakararamdaman ng matinding pagod.
Hindi sila lubos na nakararanas ng sapat na kasiyahan na idinadaan sa pagkain ng matatamis.
Puwedeng gawing panghalili ang ibang activities upang makapag-enjoy o makapag-relax. Tulad ng 30 minutes na paglalakad, pagbabasa ng libro, i-treat ang sarili na magpamasahe, foot massage, at iba pa.
Kapag sinumulan na ma-enjoy ang buhay, hindi na hahanapin na matakam sa mga sweet food upang i-trick o linlangin lang ang sarili.
- Latest