Sa ngalan ng pride at honor, may kakaibang competition sa Spain ang mga lalaking kasali ay susubukang hulihin ang gansa sa tubig.
Ito ay tinatawag na “Day of Geese” na isang Spanish celebration kung saan ang mga ganza ay puno ng putik na nakatali na nakalutang sa tubig. Ang mga lalaking “gentelmen” ay tatalon sa tubig na mag-uunahan na tanggalin ang tali sa ulo ng gansa. Kapag nandaya ang lalaki ay madi-disqualify at hindi na tatawaging “gentlemen” o “maginoo”. Ang kompetisyon ay test ng lakas, endurance, at liksi ng isang lalaki upang maging karapat-dapat na ikasal sa kanilang minamahal.
Pero ang custom ngayon ay hindi na ginagamitan ng buhay na ganza dahil sa isyu ng animal rights. Ang Day of Geese ay pina-practice bilang bahagi ng piesta ng San Antolin sa Spain.