Pagbabago ng Vagina

Nararamdaman na­ting ang pagbabago sa ating katawan na mas napapabilis ang proseso nito depende sa kinakain, lalo na kung hindi healthy at maraming bad habits sa lifestyle na pina-practice.

Kasabay ng pagbabago pati na rin ang ating private part na vagina. Sa lahat ng stages ng babae ay mayroong kakaibang nararamdaman sa kanilang pepay.

Talakayin naman natin ngayon ang mga maling paniniwala. 

Maraming mga babae ang naniniwala agad sa mga sabi-sabi at opinion ng iba.

Kesyo madi-divirgi­nize ka kapag nagpa-paps smear. Kesyo sexually active o buntis ka kapag nagpatingin sa OB-Gyne.

Kesyo madumi raw ang menstrual blood.

 Ito ang dahilan kung bakit maraming babae ang hindi nagpapa-check-up at nagpapa-paps smear na dapat ay gawin ng regular kada-taon.

Nawawala lamang ang virginity kapag ikaw ay aktuwal na nakipag-sex. Ang menstrual blood ay isang normal physiological process kapag hindi na-fertilize ang egg.  

(ITUTULOY)

 

Show comments