Pagod sa trabaho at pauwi na si Kari Falla kasama ng boyfriend nang madaanan nila sa Oviedo, Florida ang isang abandonadong aso.
Sobrang kapal na ng balahibo ng nasabing aso at tantiya nila base na rin sa mga tao na malapit sa lugar, apat na taon nang palabuy-laboy sa lansangan ang kawawang aso.
Dahil dito, nagpasiya sa Kari na dalhin ang aso sa kanyang shop dahil isa pala siyang dog groomer o ‘yung taga-gupit sa mga aso. Ayon pa sa concern citizen, kailangang gupitan ang aso dahil nagkakasakit ito sa mahaba nitong balahibong buhul-buhol na nagdudulot ng ‘di magandang daloy ng dugo.
Pagkatapos niya itong dalhin sa kanyang grooming salon ay dinala naman niya ito sa beterinaryo para malaman kung may sakit ba ito. Doon nila nadiskubre na pipi at bingi rin pala ang aso na pinangalanan nilang Lucky.