Hotdog at itlog ni mister, ikinandado ni misis

Karaniwan nating ginagamit ang kandado o padlock para itago o itabi ang ating mga kagamitan upang hindi makuha o mawala, ngunit iba ang ikinandado sa isang lalaki sa Mexico.

Ayon sa local media ng Mexico, kagawawan ito ng asawa ng nasabing lalaki. Nahuli siya ng kanyang misis na may kasamang ibang babae habang nasa kama, ngunit ang misis nito ay tila hindi naalarma, sa halip ay ngumiti pa ito nang ubod ng tamis at ipinagluto pa siya ng masarap na pagkain.

Agad nakatulog ang kanyang mister at nang magi­sing ito, laking gulat niya dahil ang kanyang itlog at ari ay nakakandado na.

Nilagyan pala ng kanyang misis ng alak at sleeping pills ang pagkaing inihanda. Nang maubos niya ito at makatulog, doon na isinigawa ng misis ang maitim na balak bago magbalot ng damit at umalis. Agad na naisugod sa emergency room ang mister ngunit natagalan pa bago ito matanggal.

Gumamit ng gunting at malaking flies tool ang mga doktor para maalis ang nasabing padlock.

Maayos na ang lagay ng lalaki ngunit hindi na mahagilap ang kanyang misis.

Show comments