Importante na tanggalin ang negative na self-image na tingin sa sarili ng mga magulang.
Kahit laging kinaiinisan ang kulot na buhok at malaking tiyan. Mas magandang sarilinin na lamang ito.
Mahalagang matutunan ang pagkakaroon ng positibong pananaw para sa sarili. Love yourself imbes na pintasan ang sarili. At alisin ang negatibong pag-iisip para hindi marinig ng mga anak. Ang magulang dapat ang nagtuturo sa anak upang ma-build ang self-confidence nito.
Kapag feeling down si mommy at ayaw nito ang kanyang itsura, kaso napi-pick up ito ng mga anak, lalo na ng anak na babae. Natututunan ng anak ang ugali na nakikita at naririnig sa loob ng bahay. Kung hindi kuntento sa iyong appearance, malamang ganito rin ang maramdaman ng mga anak.