Dear Vanezza,
Nagtatrabaho ako ngayon sa Canada bilang baker. Nagpapadala ako ng pera sa magulang ko sa ‘Pinas na ang utol ko ang tumatanggap ng pera. Pero nalaman ko na kinukupitan ni utol ang pera nina nanay at tatay kahit binibigyan ko rin siya ng allowance. Hindi ko mapagsabihan ang kapatid kong lalaki dahil baka iwanan niya sina nanay at tatay na siyang nagbabantay. Wala naman akong ibang mapagpadalahan dahil siya lang ang kasama ng magulang ko. Ano bang diskarte ang dapat kong gawin? – Totoy
Dear Totoy,
Kausapin mo nang maayos si utol at ipaliwanag na huwag bawasan ang pera ng mga matatanda. Tanungin na baka kulang ang allowance na inaabot mo kaya siya nangungupit. O baka mayroon siyang ibang ginagastos o pinaglalaanan. Pero linawin mo na huwag galawin ang pera nina tatay at nanay dahil baka magtampo rin sila sa iyo. Tanungin mo si utol sa harap nila nanay at tatay mo kung kausap mo sila sa video call para alam din nila kung magkano ang perang ipinadadala mo sa kanila.