Nobya Naiiwan na sa Biyahe

Dear Vanezza,

Ikakasal na ako sa nobyo ko next year. Pero ang totoo ay ayaw ko pa, gusto ko lang tumakas sa bahay namin at magulang ko. Dahil lahat ng kapatid at mga kaibigan ko ay nag-asawa na rin. Feeling ko ngayong 27 years old ako ay naiwanan na ako sa biyahe. Hindi pa rin handa ang BF ko, pero nakapagsabi na kami sa magulang ko. Dapat ba akong umatras? – Ging

Dear Ging,

Walang masama kung iuurong mo muna ang kasal kung hindi ka pa talaga handa. Ang kasal ay hindi para tumakas sa iyong magulang. Mas mabigat at mahirap na responsibilidad ang papasukin mo kapag kinasal kayo. May panahon ka pa ma-enjoy ang buhay mo kahit nag-asawa na silang lahat. Ang mahalaga ay makasama ang iyong magulang dahil darating ang oras na kapag handa ka ay iiwanan mo rin sila.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments