Anak Itinakwil ng Nanay Dahil sa Grades

Dear Vanezza,

Tinakwil ang classmate namin ng nanay niya dahil sa line of seven na grade nito sa math. Nakikitira lamang siya sa kanyang tita  na laging busy sa trabaho. Nakikiusap si classmate na kung puwedeng ay maki-Christmas sa bahay namin. Ang kaso hindi kami nagse-celebrate ng Pasko na nagkataon lang na birthday ng lolo ko kaya kami may handa sa bahay. Okey lang sa classmate ko. Ang mahalaga sa kanya ay may kasama siya ngayong kapaskuhan. Pumayag naman ang magulang ko. Pero tama ba na maki-family siya sa iba? – Malou

Dear Malou,

Kung pumayag ang magulang mo eh ‘di mas maganda. Gusto lamang niyang may makasama sa Pasko kahit hindi niya kapamilya, tutal ay tinalikuran na siya ng kanyang nanay. Makatutulong na maibsan ang kanyang lungkot, kung i-welcome siyang makisaya sa inyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments