Mali-mali si Nanay

Dear Vanezza,

Single mother ang nanay ko na paiba-iba ang isip at mali-mali. Oo ang sagot ngayon, pero mamaya ay nagagalit na dahil ayaw pala niya. Pati tuloy kaming magkakapatid ay apektado sa kanyang mga rules at desisyon na hindi consistent na pinapatupad. Paano ko ba sasabihin sa nanay ko na mali ang kanyang ginagawa dahil pati kami ng mga ate at kuya ko ay napapraning sa desisyon niya para sa amin? – Lou

Dear Lou,

Pagpasensiyahan mo na si nanay dahil marami lang siyang iniisip. Bilang single mother ay wala siyang katuwang na matatanungan para balansehin ang mga bagay-bagay. Pero malaki ang maitutulong ninyo kay nanay kung tulungan siyang mag-isip para makita rin niya ang ibang side o opinion upang maging tama ang kanyang magiging desisyon.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments