Mister Ididemanda si Misis ng Adultery

Dear Vanezza,

Ako ay hiwalay sa aking mister dahil nakaranas ako ng physically at emotionally na pang-aabuso sa kanya. Mayroon na akong nobyo ngayon. Pero nagalit ang mister ko nang malaman niya na may boyfriend na ako. Puwede bang mag-file ang mister ko  laban sa akin, kahit mayroon na rin siyang kinakasama ngayon? – Ex Wife

Dear Ex Wife,

Maaari siyang mag-file ng adultery laban sa iyo. Puwede kang makulong kapag napatunayan sa korte na may sexual intercourse kayo ng lalaki na hindi mo asawa. Mas magandang magpakonsulta sa abogado para higit na maliwanagan ang iyong kaso na pareho pa kayong hindi malaya sa isa’t isa ni mister.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments