Sa panahon ng emergency o kalamidad ay natatakot ang mga anak, pero kung tutulungan ang bata na maintindihan kung ano ang nangyayari ay nababawasan ang kanilang stress.
Magkaroon ng emergency plan at turuan ang mga anak na manatiling ligtas sa anomang disaster. Hindi magiging safe ang pamilya kung walang paghahanda. Kaya magkaroon ng emergency supplies kit. Kasama na ang tubig, nonperishable food, flaslight, kumot, at friendly kid activity. I-practice ang emergency plan na isama ang anak sa location na puwedeng puntahan o meeting place ng pamilya. Ang safe na kwarto o kung saan sila maaaring tumakas bilang evacuation routine. Siguraduhing kalmado ang mga anak. Alam dapat ng bata ang basic na gagawin tulad ng pag-text o pag-dial sa emergency at contact hotlines lalo na ang telephone numbers ng magulang. Para alam ng anak kung sino ang tatawagan sa panahon ng emergency.