^

Para Malibang

Paano ba Maging Sexually Healthy? (9)

MAINGAT KA BA? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Para maging sexually healthy importanteng isipin sa lahat ng bagay kung ano ang makakabuti para sa iyo,  pagpapahalaga sa partner, pagkakaroon ng positive relationships, pagpoprotekta sa sarili at pagkakaroon ng routine para sa iyong sexual health.

Talakayin naman natin ang mga basics sa pangangalaga ng sexual health. Natalakay na natin ang pagkakaroon ng healthy diet, page-exercise ng regular at pag-iwas sa paninigarilyo at alcohol.

Narito ang iba pang tips ng http://www.healthcentral.com  para sa maximum sexual health.

I-manage ang stress - Bukod sa sigarilyo at alak, masama rin sa kalusugan ang stress.

Nakakaapekto rin sa sexual health ang stress kaya dapat ma-manage ito.

Kapag nai-stress, parang laging nanghihina at pagod ang pakiramdam. Lagi ka ring nag-aalala, di mapakali at nininerbiyos.

Huwag hayaang kainin ka ng stress. Dapat gawan ng paraan ang mga bagay na nakakapagpa-stress sa iyo.

Kapag hindi mama-manage ang stress, maaaaring mawalan ng kontrol at mapunta sa depression na mas lalong makakasama hindi lamang sa sexual health kungdi sa iyong kalusugan.

Solusyunan ang galit, kalungkutan at iba pa para mapangalagaan ang sexual health at ang katinuan.  (ITUTULOY)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with