Pinakamahalagang Babae sa Buhay

Siguradong ang mga kababaihan ang pinakamahalagang babae sa inyong buhay. Balak man na mag-shopping para kay nanay, lola, biyanan, o kay tita; huwag kalimutan na maghanap ng regalo na puwedeng maramdaman ng mga dakilang nanay na minsan man lang ay parang maging magical queen sila sa kanilang tahanan.

Hindi man madaling mag-isip ng tamang regalo, at least ay maglaan ng oras na makasama ang mga nag-iisang nanay sa buhay. Hindi kailangan ng mahal  na maaa­ring bigyan si nanay ng planner, dahil sa rami ng iniisip at inaasikaso ni mommy para sa buong pamilya. Ang notebook ay magsisilbing planner na matulungan si mamu na mag-set ng goals araw-araw o kada-linggo. Huwag kalimutan na lagyan ito ng dedication para masabi ang pasasalamat dahil siya ang ibinigay na nanay para sa atin.

Show comments