Urinal na May Video Games

Grabe na ‘to!

Ang British company na Captive Media ay nakaimbento ng pinakaunang “hands-free” video gaming console na malalaro lamang sa banyo.

Ito’y isang urinal na may controlled games console. Ito rin ang pinakaunang klase sa mga urinal. Ang mga larong maaaring subukan ay tulad ng ski challenge at iba’t ibang trivia quiz.

May screen na nakakabit sa taas ng standard urinal bowl kung saan mayroong tatlong target na pagpipilian. May mga sticker sa urinal na “Start”, “Left,” at Right”. Dito pipili ang mga “maglalaro” ng target nila para itutok ang ihi. Sa pamamagitan nito ay makokontrol na nila ang laro. Gumagamit ng infrared device ang urinal para malaman kung saan ang direksyon ng bagsak ng ihi at siyang “controller” na rin ng game. Maaaring mai-post sa Internet via Twitter at live leader board ang scores pagkatapos maglaro ng mga umiihi.

Kayo susubukan n’yo ba ang urinal na ito?

Show comments