* Naku hindi na uso sa mga kabataan ang akyat ng ligaw. Sa text at chatting na lang ngayon sila nag-uusap at mag-on na agad-agad. Kaya mas mataas ang rate ng mga teen-ager na maagang nabubuntis ngayon. Dahil hindi dumaan sa tamang proseso. Hindi ipinakilala sa mga magulang ang lalaki. Anong anyare? ‘di maagang nag-aasawa mga bata ngayon. – Bheng, Sta. Cruz, Manila
* Ako bilang nanay, pinaaakyat ko pa rin ng bahay ang anak kong lalaki. Sinasabi ko sa kanya na magpaaalam sa nanay at tatay ng liligawan niya. Para makilala niya ang buong pagkatao ng babae. Siyempre pa-cute lang ang mga ‘yan sa text at sa pag-chat nila. Pero wala nang choice kapag nakilala na ang tunay na pagkatao ng nililigawan. – Frankie, Makati
* Depende pa rin yan sa babae. Ako kapag nililigawan ako sa chat o text. Sinasabi ko agad na pumunta ng bahay at magpaalam sa nanay at tatay ko. Turn off ako sa lalaking nanliligaw sa text at chat, tapos sasabihin ba naman sa akin na huwag ko raw ipaalam sa nanay ko. Secret lang daw! Eh ‘di wow! – Joi, Bacoor
* Yung anak ko hindi pa rin nadadala sa kaka-entertain ng manliligaw sa cell phone at social media. Tinanggalan ko ng CP eh ‘di natigil. Mula noon, hindi na siya nagpapaligaw sa pagti-text at chatting lang. Pormal na umaakyat ng ligaw sa amin ang lalaki. Para makilatis namin ng tatay niya bago niya maging nobyo. Nang hindi magsisi sa huli ang mga dalaga namin sa bahay. – Mommy Nikki, Laguna