Hindi Mapatawad ang Sarili
Ang lalaki o babae na marunong magpatawad ay mas nagkakaroon ng masayang buhay. Pero sa pag-aaral ng University of Missouri, ang matatandang babae ay mas higit na maraming benepisyo mula sa kanilang pagbibigay ng patawad, kahit pa nararamdaman nilang hindi pa sila napatawad ng iba.
Kumpara sa mga kalalakihan, na kahit napatawad na nila ang ibang tao, pero hirap naman na mapatawad ang sarili mula sa kanyang maling desisyon, pagkakamali, o pagkakasala.
Ang mga kababaihan na natutunan na magpatawad ay nababawasan ang depression at pagkabalisa sa buhay.
Kaysa sa mga taong hindi mabitawan ang galit at bitbit pa rin ang sama ng loob kahit lumipas na ang maraming panahon. Mas umiikli rin ang buhay dahil dinadapuan ng kung anu-anong sakit sa katawan. Hanggang ang sakit ay lumala na nag-ugat lang sa hindi ma-let go o mapatawad ang sarili.
Samantalang, ang taong marunong magpatawad ay mas nai-enjoy hindi lang ng kapayaan ng puso at isipan, kundi ang malusog na pangangatawan.
- Latest