Investment ng Feb-ibig sa Bangko

Hindi lang pera ang ini-invest sa banko, kundi pati emosyon ay isino-shoot sa banga ng puso para i-share ang love, love, love sa asawa, partner, dyowa, at loved ones.

Ngayong buwan ng Feb-ibig ay panahon din ng renewal ng love, trust, romance, at respeto sa minamahal. 

Sa kahit na anong relasyon lalo na sa mag-asawa ang paghuhulog ng positibong emosyon sa “bangko” ay makatutulong sa panahon ng problema at matinding pagsubok.

Tulad ng pagprotekta sa inyong relasyon sa pagsasabi ng kind words sa isa’t isa kahit sa gitna ng kritisismo ng ibang tao.

Pagkakaroon ng love, unity, at support kay mister, misis, at partner.

Katulad ng investment na pera na i-deposit sa bangko ay nagkakaroon ng interest hanggang sa lumago na puwedeng i-withdraw kapag nahaharap sa panahon ng kahirapan.

Ganundin ang sharing moment ng mag-partner na hindi sumusuko dahil laging team work sa pagsasama sa hirap at ginhawa.

Kapag tumaas na ang level sa pagbabangko ng positibong emosyon ay mas napapatatag ang connection na namamagitan sa dalawang relasyon mula sa love na humahantong din sa forever.

Show comments