Grabe na ‘to!
Isang batang taga-Perth, Australia ang natuto lamang tumugtog ng piano sa pamamagitan ng panonood ng YouTube videos. Hinangaan ang bata nang nag-viral ang kanyang video habang tumutugtog ng piano sa isang palengke. Pag-alala ni Louis, naglalakad lamang silang magpipinsan sa Fremantle market nang makakita ito ng piano at nagdesisyong magpatugtog. Dahil sa galing niya at sa magandang musika na kanyang nalikha, dumami ang tao na nakiusyoso at nag-record ng kanyang performance. Hanggang sa may mag-upload ng kanyang performance at nag-viral.
Minsan ay napanood lamang niya ang kanyang ama na tumutugtog ng Ray Charles, Jerry Lee Lewis, at Chuck Berry piece at nagkainteres siya sa pagtugtog. Hindi siya kumuha ng piano lessons at tinuruan lamang ang sarili sa panonood ng YouTube videos. “Just by ear... I just looked up stuff on the internet, and from there it just came down to a basic left hand which is what you should always begin with,” paliwanag nito.