Lalaki binantayan ang puntod ng misis hanggang mamatay

Grabe na ‘to!

May mga tao talagang ‘pag nagmahal ay sobra-sobra. Hindi nila kakayaning mawalay sa taong pinaniniwalaan nilang soulmate. Tulad na lang ni Rocky Abalsamo.

Nang mamatay ang kanyang misis taong 1993, pakiramdam niya’y parte ng kanyang pagkatao ay yumao na rin. Kaya sa loob ng mahigit 20 taon ng kanyang pagkalungkot at pangungulila sa minamahal na kabiyak ay araw-gabi niyang binantayan ang puntod nito. Hindi siya masyadong umiinom at kumakain at makikitang nakaupo lamang sa tabi ng puntod ng kanyang misis sa St. Joseph Cemetery sa West Roxburry. Tiniis niya ang pagpalit ng klima, ulan, lamig, init, at pag-snow.

Namatay si Rocky sa edad na 97 sa Stonehedge Health Center sa West Roxbury matapos ang ilang buwang pagbasak ng kanyang katawan. Matapos ang kanyang mahigit 20 taong pagbabantay sa kanyang pinakamamahal na si Julia “Julieta” magkasama na ulit sila ni Rocky “Roque” at siguradong masaya na sila sa kabilang buhay.

Show comments