Gusto ng buhay dalaga

Dear Vanezza,

Ako si Ricky, 45 years old at may ka-live in ako na 19 years old lang nung magsama kami. Limang taon na kaming nagsasama at may isa kaming anak. Pero nagbubuhay dalaga ngayon ang ka-partner ko. Ginagawa niya ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. Gusto na niyang makipaghiwalay at iwan kaming mag-ama. Gusto raw niyang magsawa muna sa kanyang buhay at ayaw pakasal sa akin. Ano ang gagawin ko?

Dear Ricky,

Humiling ka ng isa pang pagkakataon. Pero bigyan mo pa rin siya ng kalayaan na gawin ang gusto niya habang nagsasama kayo. Pero kung ayaw niya, wala kang magagawa. Respetuhin mo ang kanyang desisyon at maghintay nabaka sakaling balikan ka niya. Kung buo na ang pasya niya, pilitin mong mag-move on kasama ang anak ninyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments