^

Para Malibang

Kalayaan Mula sa Toxic na Tao

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Sa buhay ay laging may tao na hahadlang, mananakot, o mananabotahe sa posibilidad sa iyong self-improvement.

Ang tawag sa kanila ay mga toxic na tao na minamasama ang iyong paglago o kasiyahan. Ma­a­aring iniisip nila na baka mawala ka sa buhay nila, may magbago, o mapag-iwanan sila.

Kaya naghahasik din sila ng galit, sama ng loob, pagmamanipula, at kasamaan.

Mahalagang kila­la­nin ang mga toxic na tao sa iyong paligid. Hindi maiiwasang ‘di makihalubilo sa kanila, sapat na magkaroon ng boundary o limitasyon sa pakikisama.

Hindi man agad-agad, basta dahan-dahan lang ang paglalagay ng distansiya sa pakikitungo sa toxic na tao. Puwedeng i-block, delete, at unfriend sila sa iyong social media account.

Kung hindi talaga maiwasan ay dumistansiya lang. Lalo na sa kapamilya, pero ‘di komo kamag-anak sila ay may karapatan na silang sirain ang kaligayahan mo sa buhay. Kalimitan na mas malalim pa ang sugat mula sa toxic na pamilya, kaysa sa kaibigan. Puwede  makipag-usap, pero siguraduhing nasa mataong lugar, para hindi makapag-esakandalo.

At kung talagang mas mahirap kausap ay hindi na kaila­ngan magpaliwanag sa iyong paglayo. Ang pagsukli ng ngiti ay okey na para walang nang paliwanagan o debate na mangyayari.

Ang importante ang dahilan ng paglayo ay para sa iyong sarili. Dahil mas priority ang iyong happiness at kalayaan, kumpara sa kapraningan, paghatak, pagsira, at hindi pagpapahalaga ng iba sa iyong buhay.

ALDEN RICHARDS

PATRICIA TUMULAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with