Dear Vanezza,
Tawagin niyo na lang po ako sa alyas Apple, 15 years old. Dalawa po ang bf ko. Pareho ko po silang mahal at ayaw kong mawala sila sa akin. Kaya lang tuwing nakikita ko sila nagi-guilty ako na baka malaman nila ang totoo. Ayoko po silang masaktan. Ano pong gagawin ko?
Dear Apple,
Huwag kang mamangka sa dalawang ilog. Sakit ng ulo lang ang dulot ng dalawang minamahal. Kilalanin mo muna ang kanilang mga ugali at katangian saka mo piliin kung sino ang mas matimbang sa iyong puso. Pero dahil bata ka pa, mas mabuti kung pag-aaral muna ang iyong problemahin sa halip na guluhin ang isip sa mga bf. Hindi mo kailangang magmadali sa pag-ibig. Mahaba-habang taon pa ang iyong bubunuuin sa pag-aaral kaya ito ang mas dapat mong paglaanan ng iyong panahon.
Sumasaiyo,
Vanezza