May bahagi sa pinya na madalas itapon. Ito ay ang laman sa gitna na tinatanggal sa factory kaya may butas ang bawat hiwa ng pinyang de lata. Ang fresh pinya ay mayaman sa fiber, vitamin C, manganese at bromelain ngunit mas marami nito sa laman na nasa gitna or pineapple core (nasa larawan).
Ang fiber ang tumutulong upang makapagtrabaho nang maayos ang digestive system. Ito ang tumutunaw sa ating isinubong pagkain upang ma-distribute ang bawat sustansiya sa ating katawan.
Ang vitamin C ang nagpapalakas ng ating immune system upang hindi kaagad kapitan ng sakit.
Ang bromelain naman ang enzyme na tumutunaw sa mga plema na nagdudulot ng problema.
Ang manganese naman ay nagpapalakas ng buto at nagpapababa ng level ng bad cholesterol.