Dapat mabahala sa paglaganap ng pornography lalo na sa mundo ng online world. Halos 40% ng content sa Internet ay hubaran. May 25% naman ang naghahanap ng tungkol sa pornography sa Internet. Nakapagtataka ba kung 50% sa mga binatilyo at 30% sa mga dalagita na may edad pababa ng 13 years old ay tumitingin ng hubad na larawan sa Internet.
Sa pag-aaral ng UK noong 2013, nalaman na 50% ng 18 years old ay nakakatanggap ng nude pictures.
Hindi pa kasama ang 70% ng boys at majority na bilang sa mga kabataang babae ay nakakapanood ng homosexual acts sa online. Mula sa divorce cases na 55% ng kalalakihan at 20 % ng mga babae ay obsessive sa pornographic websites.
Tandaan na dapat protektahan hindi lang ang mga kabataan, kundi ang pamilyang sinisira dahil sa pagkaalipin ng pornography.